Tuesday, June 15, 2010

Love Train Chapter 1 Part 1

Makulimlim ang panginorin ng lumabas ng bahay si Dindo. Tumingala muna siya sa langit na wari'y sinusukat kung kailan bubuhos ang inipong water vapor ng maitim na ulap. Maya maya pa'y napagpasyahan na nyang lumakad. "Bahala na", sa isip isip nya. Tinahak nya ang makipot na eskinita palabas ng iskwater na kinatitirikan ng kanyang inuupahang kwarto. Kung hindi lang talaga mura at malaki ang kwarto ay hindi nya kukunin ito. Sukatin mo ba namang walang araw na hindi nagtatalakan ang magkapitbahay na si Aling Bella at Trining, para yata silang tubig at langis na kailanma'y hindi magkakasundo. Hindi tuloy siya makatulog ng maayos.




"Blag!" Naputol ang pagmumuni muni nya ng humagis ang isang maletang gutay gutay  sa kanyang harapan. Kasabay nito, "Putang ina mo kang hayup kang manyak ka! Dun ka na tumira sa kabit mo! Anung pinagmamalaki mo ha? Wala ka namang trabaho. Hindi mo na nga kami mabuhay ng mga anak mo nakuha mo pang mangabit? Ang kapal din naman ng mukha mong demonyo ka! Ke pangit pa ng ipapalit mo sakin! Walang kang taste! Jologs" Sunod sunod na ratsada ng nagwawalang babae kasabay ng pagtataboy nito sa nangaliwang asawa. Napailing na lang si Dindo at umiwas sa nakahambalang na maleta. Ilang liko na lang at labasan na. Nakasalubong pa niya ng 3 gusgusing bata na may bitbit na bote ng mineral water at may mga panyo sa kamay. Nakasubsub ang mga ilong nito sa mga panyo sa kamay nila habang naglalakad. Solvent. Sumisinghot ng solvent. Kawawa naman. Wala pa yatang dose anyos ang pinakamatanda sa kanila. "Ito ang produkto ng kani kanina lang na dramang kanyang nasaksihan. Wasak na tahanan, pariwarang kabataan" Bulong ni Dindo sa sarili sabay iling. "Teka nga muna, anu bang nasinghot ko at kung ano ano ang pinakikialaman ko?" tanong nya sa sarili. Kibit balikat lang din ang kaya nyang isagot sa kanyang mga katanungan.



Mga ilang metro pa mula sa labasan ay ang istasyon ng LRT. Tumingin muna siya sa kanyang relo bago tinahak ang daan patungo sa istasyon. Alas sais y medya. Nangangalahati na siya ng nalalakad ng magsimulang umambon. Binilisan nya ang paglakad upang di na abutan ng ulan sa daan. Mabuti na lamang at nakapila na siya sa ticket booth ng bumuhos ang malakas na ulan. "Ma, Buendia" sabay abot kay Manuel Quezon. "Meron kang dos?" tanong ng kahero. "wala eh" sagot naman nya. Umiling lang ang kahero sabay abot ng kanyang sukli. "Lokong to!, may panukli nman pala hihingan pa ako ng dos." sa loob loob nya. Mga 3 minuto pa ang lumipas bago dumating ang tren. Agad nman siyang nakasakay sapagkat hindi nman gaanong puno ang tren lalo na't sa bandang likuran na siya pumwesto. Maraming sumakay sa sumunod na istasyon kaya't medyo napapasok sya sa aisle ng tren. Tumapat siya sa isang lalaking naka unipormeng pang iskul. Inayos nya ang kanyang body bag at itinapat ito sa kanyang harapan upang itago ang kanyang bukol. "Mahirap na, baka biglang mag flag ceremony nakakahiya". Napansin siya ng lalaking nakaupo sa kanyang harapan at ito nama'y tumingala sa kanya. Nagtama ang kanilang mata kung kaya't bigla nyang iniwas ang kanyang paningin."CUTE!" sigaw ng isip nya kasabay ng pagkislot ng laman sa pagitan g kanyang hita. "Sa saglit na pagkakatingin nya dito ay rumehistro agad sa isip nya kung anung itsura nito. Moreno, payat, may pagka singkit ang mata, hindi matangos pero cute na ilong,saka manipis at mamula mulang labi. Nakasalamin ito, black and white ang kulay at plastic ang frame.



Ipinikit ni Dindo ang kanyang mga mata upang mawala ang imahe ng lalaki sa kanyang utak saka iminulat at ibinaling sa kung saan saan. Nananayo ang kanyang balahibo at mukhang aware na aware ang kanyang senses. Feeling nya ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Ibinaling nya ang tingin sa mga tulang nakapaskil sa tren.

kahit nakatutok na ang paningin nya sa tula ay pilit pa ring sumisiksik sa kanyang isip ang imahe ng lalaki sa kanyang tapat. Hindi nya namalayan na tumigil at umandar na ulit ang tren. Namalayan na lang nya na nasa Libertad Station na pala ito at lumagpas na siya.



"Hay buhay. Pag minamalas ka nga nman oh!" panlulumo na lamang nya. Napagdesisyunan na lang nyang sa EDSA na lang siya bababa.



"Eshusme! Are the Bunjia Isheyshon feraway?" Untag ng lalaking kanikanina lang ay gumugulo sa isip nya at naging dahilan pa nga ng paglapas nya.



"Anu daw?" Tanong ng isip nya.



"What?" sagot nya



"Ahmm.. I gow down Bunjia. Izit feraway or near?" tanong ulit nito.



Puzzled pa rin siya. Anung pinagsasabi ng mokong na to. Iingles ingles wrong grammar naman. Papa impress pa! TO!



Sumagot ang aleng katabi nito.



"You wanna gu dawn at Buendia?"



"Yes!" "Yes!" sagot nito.



"Putsa sabi na nga ba type ako ng tungag papa impress pa". Ngingiti ngiting isip nya.



"The buendia is faraway olredi! Its ober der! in the last strit we stap" sagot ng ale sa lalaki. "you make... you make..." napatigil ang ale, "you make... ober ober olredi!" dagdag nito.



Habang naguusap ang inglisero't inglisera ay napagmasdan nyang mabuti ang features ng lalaki. "Hindi kaya Koreano ito at talagang wala ngang alam dito sa Maynila?" sa isip isip nya.



"Wut did meaning of over over?"tanong ulit ng lalaki, palipat lipat ang tingin nito sa kanya at sa ale. Halata ang kainosentehan sa reaksyon nito.



Napilitan ng sumagot si Dindo dahil kung hindi eh nasa Baclaran na sila hindi pa rin magkakaintidihan ang ingliserong paimpress at ang aleng kausap nito.



"Man, we just passed by Buendia. Are you intending to get off at Buendia?" perfect English with accent pang tanong nya?



"Get off?" "What did meaning get off?" sagot nito. "So swerry, i new lilel English. I starting to learn" dagdag pa nito.



Nakumpirma nya ang unang hinala nyang Koreano nga ito na bagong salta at nagpipilit mag aral ng English dito sa Pilipinas.



"Ohhh" sagot nya. "No worries, i can perfectly understand". "Buendia station is over there" sabay turo nya sa malayo. "You forgot to get off the train".



Kumunot ang noo ng Koreano. Wari nya'y dina digest pa nito ang kanyang sinabi.



"Over there" turo nya ulit. "Far away" stress nya.



Inulit nito ang ginawa nya.



"Over there" sabay turo nito sa malayo. "Far away"



"Did you meaning i passed away?" tanong nito



Munting na siyang mapabunghalit ng tawa sa tanong nito. "Wag naman, cute ka pa naman. wag muna mag passed away" isip isip nya.



"Yes" ngingiti ngiting sagot nya.



"Aigoo" reklamo ng Koreano at mukhang nagpapanic na.



"Don't worry, Ill help you." pang aalo nya. Mukha kasing magbabalak na itong tumalon ng tren sa itsura ng mukha nito. Magkatotoo pa ang pag "passed away" nito. Sayang, di man lang matitikman.



"Erase! Erase!" sigaw ng utak nya. Heto nga't napalagpas din itong kawawang koreano ng dahil sa kanya kung ano ano pa ang iniisip nya.



"Erase Ulit!" kung makapag assume lang siya na kaya nga napalampas ang koreano eh dahil type siya. Baka naman sadyang bagong salta lang at tatanga tanga.



"You help me? Really!?" "Oh thanks.. thank you" "Kamsahamnida" kandutal utal nitong sagot. Hindi magkamayaw sa pagpapsalamat eh hindi pa nga nya natutulungan.



Tango lang ang isinagot nya at saka nagconcentrate ulit sa takbo ng tren. Malapit na sa EDSA.



"EDSA Station" announce ng driver.



"Come we get off here" sabi nya sa koreano.



"Here?" Palinga linga ito. Halatang bago sa paningin nito ang lugar. Gumagala ang mata at mukhang nalilito. Gayunpaman ay sumunod ito sa kanya pag baba.